Magkaibigan kumakain...
Pedro: Anong palaman ng tinapay mo?
Juan: Kiso!
Pedro: Kiso? Ano ka ba nakakahiya ka! Hindi yan kiso! Chess yan.. CHESS!!
Tuesday, May 20, 2014
Tuesday, April 15, 2014
Mga PANGALAN na di dapat gamitin
ano ang pangalan ni..... ano ang apelyido ni.....
Q: Anong apelyido ni Sisa?
A: Sisa Mistrit
Q: Anong apelyido ni Cedie?
A: Cedie Player
Q: Anong apleyido ni Beast?
A: Beast Kwit
Q: Anong first name ni Nemo?
A: Sarahgero Nemo
Q: Anong apelyido ni Punisher?
A: Punisher Ranno
Q: Anong apelyido ni Denzel?
A: Denzel Weta
Q: Anong apelyido ni Curly?
A: Curly Gazpi
Q: Ano last name ni Anchor?
A: Anchor Tis
Q: Ano last name ni Jewel?
A: Jewel Torre
Q: Ano last name ni Kula?
A: Kula Desma
Q: Ano surname ni Joseph?
A: Joseph Protgam
Q: Anong apelyido ni Aiko?
A: Aiko Zada
Q: Anong apelyido ni Christopher?
A: Christopher Minute
Q: Anong apelyido ni Palito?
A: Palito Lippi
Q: Anong first name ni Keno?
A: Krisa Keno
Q: Ano first name ni Janno?
A: Eduman Janno
Q: Ano first name ni Squall?
A: Piolopa Squall
Q: Ano first name ni Basilio?
A: Lacto Basilio
Q: Ano first name ni Pikachu?
A: Cherrypie Pikachu
Q: Ano first name ni Kenny G?
A: Johnep Kenny G
Q: ano ang first name ni Volta?
A: Johntra Volta
Q: Ano first name ni Diether?
A: Tirso Cruz Diether
Sunday, April 13, 2014
Go to Hill Bradley - Mommy Dionisia Pacquiao
Mommy Dionisia : Gu tu hill.
Timothy Bradley : Which hill?
( Tumambling ako dito sa joke na to, ano nga kaya ang iniisip at sinansabi ni Mommy Dionisia dito , BTW Congrats Manny Pacquiao!!! #PacquiaoBradley2 )
Genie: Bibigyan kita ng isang kahilingan.
Aling Dionisia: Talaga?…gusto ko gumanda!
Genie: Buksan mo ang bote.
Aling Dionisia: At gaganda na ako?
Genie: Hindi. Babalik na lang ako.
*****
Pacman: Sabi ng titser ko, bakit daw ang eggplant walang egg?
Aling Dionisia: Sabihon mo sa titser mo, na pag me egg yun, turta na yan, TURTA!
*****
Reporter: Ngayong nanalo ka Manny, anong pasalubong mo kay Jinkee?
Manny: Ibon syempre. Mahilig sya dun e.
Reporter: Ibon? Anong klaseng ibon?
Manny: Yung mga lipstek, pangmik up ba? Basta mga Ibon products! Yo know…
*****
Dionesia: Doc gusto ko magpalagay ng breast.
Doctor (gulat) magpapasexsi ka na?
Dionesia: Breast sa ngipen ba. Para umayos yun ngepen ko! Deba uso yon?
*****
Pacquiao: Wala, talo ka na kahit anung gawin mo..
Hatton: Pagandahan na lang tayo ng nanay!
Pacquiao: Ah! Wala namang ganyanan. I mean you know…
*****
Aling Dionisia: Inday, akina nga yung seeds ko.
Inday: Bakit po magtatanim po ba kayo?
Aling Dionisia: Anung magtatanim sinasabi mo? Nasisilaw ang mata ko kaya kailangan ko yung seeds.
*****
Jinky: Manny, kung magkakaanak ulet tayu anu magandang name?
Manny: Hmm. Eh di combine na lang name natin… “MANKY”……
*****
Aling Dionisia: Gusto ko naman pag nagka-anak kayo uli ni Jinky, di lang pangalan nyo pagsasamahin. Dapat
kasali din pangalan ko.
Manny: Oo naman nay, kasu midyu mahirap yun.
Aling Dionisia: Hindi ah, may naesep na nga ako eh.
Manny: Talaga ‘nay? Anu?
Aling Dionisia: DIOMANJI (dionisia-manny- jinky)
*****
Pacquiao: Honey, buksan mo na yung sweets.
Jinky : Lambing mo talaga. mwah !! Nasan ang sweets honey?
Pacquiao: Yung sweets ng ilaw. di ako makakita… ang dilim!!
*****
Si Manny Pacquiao tumakbo sa pagka-Congressman sa GenSan…
Reporter: Manny, anong masasabi mo sa peace and order sa inyong lugar sa .Gen San?
Manny: Ah, yun ba? uhmm…eh… ang masasabi kulang diyan ay….
Reporter: Ano..?
Manny: Ahh, kwan,…maraming Fish sa Gen San pero wala masyado umo-Order .
*****
Freddie and Manny heart to heart talk
Manny: Pare, ba’t naman hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?
Freddie: Meron. .. Manhid ka lang!
*****
Noodle!!
Noodle!! Noodle!!
Manny Pacquiao sa Deal or No Deal
*****
Sa Las Vegas
Waiter: May I take your order, Madam?
Aling Dionisia: Soup
Waiter: Chicken, asparagus, noodle, fish or soup of the day?
Aling Dionisia: Soup drenks!
*****
Sa isang Birthday Party
Aling Dionisia: Blue!!! Blue the Kick!!!!
****
You is!’ ’you is! you is!’, sigaw ni Aling Dionisia pagdating sa Amerika..Andito na ako sa ‘you is!’
*****
Chavit: Manny, paki – acknowledge naman si 1st Gentleman, late dumating.. ayun kadadaan lang sa tabi ng ringside.
Manny: I would like to acknowledge the ARRIVAL OF THE LATE 1st GENTLEMAN WHO JUST PASSED AWAY!!
For entertainment purposes only and not intended to offend anyone in any way. If you do get offended, find a different page
Thursday, April 10, 2014
Tuesday, April 8, 2014
Sunday, November 18, 2012
10 Suicide Tips by Bob Ong
Ang 10 suicide tips na ‘to ay galing sa libro ni Mr. Bob Ong (Ang Paboritong Libro Ni Hudas). Mungkahi nya to para sa ligtas, maginhawa at di malilimutang pamamaalam sa mundo. Eto na.
1. Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.
2. Kung desidido ka na gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagkakamatay. Ang mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglaslas ng pulso. Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. Tandaan na maaari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sa ‘yo. Bukod diyan, marami rin sa mga paraan na ito ang makalat at nakakapangit. Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.
3. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong buhay, kaso lang bad trip sila lahat. Pero ‘wag ding kalimutan humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.
4. Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note. Ipagbilin na patugtugin ito sa prusisyon ng iyong libing. Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah. Dapat medyo mellow at meaningful…tulad ng mga kanta ng Sexbomb.
5. Isulat nang maayos ang suicide note. Gumamit ng scented stationery at #1 Mongol Pencil. Lagdaan. Huwag gumamit ng sticker. Ilagay ang suicide note sa lugar na madaling makita. Idikit sa noo.
6. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamamatay, kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng mga telang hindi umuurong o makati sa katawan. Magbaon ng dalawang pares pampalit pag pinagpawisan ka.
7. Kumuha ng de-kalidad na ataul. Maganda ang kulay puti dahil malamig at kumportable kahit tag-init. Huwag magtipid. Mas makakamura kung bibili na ng cable-ready, kesa magpapalit pa balang araw.
8. Pumili ng magandang pwesto sa sementeryo. Ang punto ng mga taong ipinanganak sa year of the Rat, Dragon,Rabbit, Snake, Tiger, Chicken, Pork, at Beef ay dapat nakaharap sa Fiesta Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.
9. Itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o di kaya’y sa huling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.
10. Kung meron ka nang NBI at police clearance, affidavit of loss, voter’s ID, cedula, promissory note, original copy ng birth certificate, at urine sample, pwede mo nang isagawa ang kalugod-lugod na gawain. Siguraduhin lang na hindi ka mababalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay. Para gumaan ang pasok ng pera.
Saturday, August 14, 2010
7 tips para maiba naman ang araw mo
1. Sikmuraan ang unang taong kasalubong at humingi ng sorry..
2. Uminom ng pampatulog labanan ito, magexercise.
3. Tibagin ang bahay at buuin muli.
4. Himatayin kunwari sa daan, tiyaking may tao.
5. Tahiin ang puwet at magpatingin sa doctor
6. Kurutin ang nakababatang kapatid pagkatapos unahan mong umiyak.
7. Makapagtitigan sa isda. Huwag titigil hanggat hindi ito kumukurap.
8. Bili ka ng 3 in 1 coffee tapos paghiwa hiwalayin mo ang kape, asukal at coffeemate... di ba masaya yun?
Saturday, November 21, 2009
In a petshop
sa may petshop.
Customer (talking to a parrot): Hoy! can you speak ha? can you speak? BOBO!'
Parrot: 'Yes, I can! Ikaw? Can you fly, ha? Can you fly? TANGA!
Customer (talking to a parrot): Hoy! can you speak ha? can you speak? BOBO!'
Parrot: 'Yes, I can! Ikaw? Can you fly, ha? Can you fly? TANGA!
Friday, November 20, 2009
ang drawing
Bunso: Itay, tingnan nyo po drawing ko oh
Tatay: wow!! ang galing namang magdrawing ng monkey ng bunso ko
Bunso: Itay, kayo po yan!!!
Thursday, October 29, 2009
MGA GININTUANG ALAALA NILA INAY AT ITAY
LALO NA ANG MGA MAGAGANDANG LESSONS NA NATUTUNAN NAMIN SA KANILA!
1. Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Kalilinis ko lang ng bahay.”
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”
3. Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL.
“Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!”
4. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”
5. Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.
“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine.”
6. Kay Itay naman natuto ng FORESIGHT si Kuya.
“Siguraduhin mo na lagi kang mag susuot ng malinis na brief, para pag naaksidente ka e di kahiyahiya sa emergency room.”
7. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
“Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”
8. Kay Inay ako natuto ng SCIENCE OF OSMOSIS.
“Itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo.”
9. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
“Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!”
10. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos kainin lahat yang gulay mo!”
11. At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.
“Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”
12. Sa CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
“Bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”
13. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
“Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan!”
14. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
“Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”
15. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
“Bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”
16. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.
“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”
17. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong palakol, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”
18. Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
“Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya.”
19. Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.
“Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat.”
20. At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE.
“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana’y matulad sila sa ‘yo.”

Thursday, October 1, 2009
multiplication
TEACHER : Raiden, why are you doing your m on the floor?
RAIDEN : You told me to do it without using tables!
RAIDEN : You told me to do it without using tables!
Monday, September 28, 2009
dinner
A wife invited some people to dinner. At the table, she turned to their six-year-old daughter and said, "Would you like to say the blessing?"
"I wouldn't know what to say," the girl replied.
"Just say what you hear Mommy say," the wife answered.
The daughter bowed her head and said, "Lord, why on earth did I invite all these people to dinner?"

Sunday, September 27, 2009
first pancake
A mother was preparing pancakes for her sons, Raiden, 5 and Rushwin 4. The boys began to argue over who would get the first pancake. Their mother saw the opportunity for a moral lesson. "If Jesus were sitting here, He would say, "Let my brother have the first pancake, I can wait."Raiden turned to his younger brother and said, "Rushwin, you be Jesus!"
Subscribe to:
Posts (Atom)