Thursday, October 29, 2009

MGA GININTUANG ALAALA NILA INAY AT ITAY

LALO NA ANG MGA MAGAGANDANG LESSONS NA NATUTUNAN NAMIN SA KANILA!

1. Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.

“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Kalilinis ko lang ng bahay.”

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.

“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”

3. Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL.

“Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!”

4. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.

“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

5. Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.

“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine.”

6. Kay Itay naman natuto ng FORESIGHT si Kuya.

“Siguraduhin mo na lagi kang mag susuot ng malinis na brief, para pag naaksidente ka e di kahiyahiya sa emergency room.”

7. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.

“Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

8. Kay Inay ako natuto ng SCIENCE OF OSMOSIS.

“Itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo.”

9. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.

“Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!”

10. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.

“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos kainin lahat yang gulay mo!”

11. At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.

“Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

12. Sa CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:

“Bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”

13. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.

“Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan!”

14. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.

“Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

15. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.

“Bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”

16. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.

“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

17. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.

“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong palakol, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”

18. Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.

“Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya.”

19. Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.

“Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat.”

20. At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE.

“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana’y matulad sila sa ‘yo.”

No comments:

Post a Comment