Showing posts with label jokes. Show all posts
Showing posts with label jokes. Show all posts

Sunday, May 25, 2014

Kitty reaction sa amoy ng daga

Kitty reaction sa amoy ng (patay na) daga,LOL poor cat.


Banat ng PUSA sa DAGA:
“kahit kailan, hinding-hindi ako mapapagod habulin at hanap-hanapin ka..
At pinapangako ko na pag nahuli kita, Di na kita pakakawalan pa..
Di ko pababayaan na angkinin ka ng iba..
Akin ka lang..”

Ano tawag sa pusa na kilala?
Eh di SI-CAT

Eh yung grupo ng mga pusa?
Eh di PANG-CAT

Eh yung bumubukol? 
BA-CAT

Eh ung nag iimport? 
ANG-KAT

Eh yung mayabang?
PASI-CAT

Eh yung  taga paraƱaque? 
SUCAT  

Eh yung maliit?
CAT-TITING

Eh yung pangit?
CAT-TAKOT

Eh yung relihiyoso?
CAT-TOLIKO

Eh yung gwapo?
CAT-TULAD KO HEHEHEHEHE 

Sunday, November 18, 2012

10 Suicide Tips by Bob Ong



Ang 10 suicide tips na ‘to ay galing sa libro ni Mr. Bob Ong (Ang Paboritong Libro Ni Hudas). Mungkahi nya to para sa ligtas, maginhawa at di malilimutang pamamaalam sa mundo. Eto na.

1. Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.

2. Kung desidido ka na gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagkakamatay. Ang mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglaslas ng pulso. Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. Tandaan na maaari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sa ‘yo. Bukod diyan, marami rin sa mga paraan na ito ang makalat at nakakapangit. Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.

3. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong buhay, kaso lang bad trip sila lahat. Pero ‘wag ding kalimutan humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.

4. Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note. Ipagbilin na patugtugin ito sa prusisyon ng iyong libing. Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah. Dapat medyo mellow at meaningful…tulad ng mga kanta ng Sexbomb.

5. Isulat nang maayos ang suicide note. Gumamit ng scented stationery at #1 Mongol Pencil. Lagdaan. Huwag gumamit ng sticker. Ilagay ang suicide note sa lugar na madaling makita. Idikit sa noo.

6. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamamatay, kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng mga telang hindi umuurong o makati sa katawan. Magbaon ng dalawang pares pampalit pag pinagpawisan ka.

7. Kumuha ng de-kalidad na ataul. Maganda ang kulay puti dahil malamig at kumportable kahit tag-init. Huwag magtipid. Mas makakamura kung bibili na ng cable-ready, kesa magpapalit pa balang araw.

8. Pumili ng magandang pwesto sa sementeryo. Ang punto ng mga taong ipinanganak sa year of the Rat, Dragon,Rabbit, Snake, Tiger, Chicken, Pork, at Beef ay dapat nakaharap sa Fiesta Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.

9. Itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o di kaya’y sa huling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.

10. Kung meron ka nang NBI at police clearance, affidavit of loss, voter’s ID, cedula, promissory note, original copy ng birth certificate, at urine sample, pwede mo nang isagawa ang kalugod-lugod na gawain. Siguraduhin lang na hindi ka mababalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay. Para gumaan ang pasok ng pera.

Saturday, August 14, 2010

7 tips para maiba naman ang araw mo


1. Sikmuraan ang unang taong kasalubong at humingi ng sorry..
2. Uminom ng pampatulog labanan ito, magexercise.
3. Tibagin ang bahay at buuin muli.
4. Himatayin kunwari sa daan, tiyaking may tao.
5. Tahiin ang puwet at magpatingin sa doctor
6. Kurutin ang nakababatang kapatid pagkatapos unahan mong umiyak.
7. Makapagtitigan sa isda. Huwag titigil hanggat hindi ito kumukurap.
8. Bili ka ng 3 in 1 coffee tapos paghiwa hiwalayin mo ang kape, asukal at coffeemate... di ba masaya yun?

Saturday, November 21, 2009

In a petshop

sa may petshop.
Customer (talking to a parrot): Hoy! can you speak ha? can you speak? BOBO!'
Parrot: 'Yes, I can! Ikaw? Can you fly, ha? Can you fly? TANGA!

Thursday, October 29, 2009

MGA GININTUANG ALAALA NILA INAY AT ITAY

LALO NA ANG MGA MAGAGANDANG LESSONS NA NATUTUNAN NAMIN SA KANILA!

1. Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.

“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Kalilinis ko lang ng bahay.”

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.

“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”

3. Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL.

“Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!”

4. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.

“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

5. Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.

“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine.”

6. Kay Itay naman natuto ng FORESIGHT si Kuya.

“Siguraduhin mo na lagi kang mag susuot ng malinis na brief, para pag naaksidente ka e di kahiyahiya sa emergency room.”

7. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.

“Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

8. Kay Inay ako natuto ng SCIENCE OF OSMOSIS.

“Itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo.”

9. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.

“Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!”

10. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.

“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos kainin lahat yang gulay mo!”

11. At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.

“Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

12. Sa CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:

“Bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”

13. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.

“Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan!”

14. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.

“Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

15. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.

“Bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”

16. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.

“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

17. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.

“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong palakol, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”

18. Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.

“Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya.”

19. Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.

“Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat.”

20. At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE.

“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana’y matulad sila sa ‘yo.”

Thursday, August 20, 2009

foot feet

Kumakanta si Erap with his pamangkin…

Erap : put your right feet in, put your left feet out
Pamangkin : Uncle, foot un!
Erap : Ah ganon ba Muling kumanta si Erap….
Erap : foot your right feet in, foot your left feet out

Wednesday, August 19, 2009

trainee

A man joined a big Multi National Company as a trainee.


On his first day, he dialed the pantry and shouted into the phone:
"Get me a cup of coffee, quickly!"
The voice from the other side responded:
"You fool, you've dialed the
wrong extension! Do you know who you're talking to?"

"No" replied the trainee.

"It's the Managing Director of the company, idiot!"

The trainee shouted back:
"And do you know who YOU are talking to, you IDIOT?"

"No!" replied the Managing Director indignantly.
"Good!" replied the trainee and put down the phone.

Tuesday, August 18, 2009

sleeping pills

Q: Bakit tahimik magbukas ng medicine ang tanga??.....

A: A3A Aniyang magising ang mga sleeping pills..

Friday, August 17, 2001

Bigo sa pag-ibig??

Bigo sa pag-ibig??

Maghanap na lng ng....


KUBA - mapagkumbaba

PILAY - di ka tatakbuhan

BULAG - la paki sa looks

PIPI - di nagbibitiw ng bad words.

(at eto the best)....


DULING - di ka hahayaan mag-isa!